--Ads--
Patay ang 9 na sundalo at 2 opisyal ng militar ng Pakistan matapos tambangan ng Islamist militants ang isang convoy malapit sa Afghan border nitong Miyerkules.
Ayon sa mga opisyal, pinasabugan muna ng roadside bombs ang convoy bago ito pinaulanan ng bala sa Kurram district. Inako ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (TTP) ang responsibilidad sa pag-atake.
Ayon sa militar, 19 militante naman ang napatay sa isinagawang operasyon sa karatig na Orakzai district.
Lumalakas ang mga opensiba ng TTP sa mga nakaraang buwan, habang pinaratangan ng Islamabad ang Afghanistan at India sa umano’y suporta sa mga militante, bagay na itinanggi ng dalawang bansa.
--Ads--











