
CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw ang bagong record high na 112 na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa tatlong lunsod at 11 bayan sa Isabela.
Dahil dito ay umakyat na sa 898 ang mga aktibong kaso habang 43 ang mga gumaling.
Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Lunsod ng Santiago na 65, Ramon 8, Cauayan City 7, Echague 7, Cordon 6, Jones 6, San Mateo 4, Cabagan 2, San Pablo 2, tig-iisa sa mga bayan ng Aurora, Luna, San Agustin, San Isidro at Lunsod ng Ilagan.
Sa mga aktibong kaso ay 1 ang Returning Overseas Filipino, 15 ang Locally Stranded Individual (LSI) , 132 ang mga health workers, 16 ang mga pulis at 734 local transmission .
Sa kabuuan ay umakyat na sa 6,626 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 5,596 ang mga recoveries habang 132 ang nasawi.
Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.










