--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang isailalim sa drug clearing ng Philippine Drug Enforcement Ageny o PDEA region 2 ang natitirang isandaan labingsiyam na barangay sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Louella Thomas, Tagapagsalita ng PDEA Region 2, inihayag nito na hanggang noong ika-30 ng Hunyo, 2022 ay nasa isandaan labing siyam na barangay na lamang o 5.50% mula sa kabuuang bilang ng mga barangay sa Region 2 ang nakatakdang isailalim sa Drug Clearing.

Dalawang barangay sa Batanes, animnapu’t anim sa Cagayan, dalawampu’t dalawa sa Isabela, labindalawa sa Santiago City at labimpitung barangay sa Nueva Vizcaya.

Umabot na sa tatlumpu’t walong munisipyo sa Region 2 ang Drug Cleared Municipalities at apat ang drug-free LGU.

--Ads--

Ilan sa nagpapahirap sa mga otoridad na maideklarang drug cleared ang isang barangay ay ang ilang residente na hindi nakikipagtulungan at subject person na ayaw magpasailalim sa rehabilitation.

Ayon sa PDEA, ang mahigit isang daang barangay pa na nakatakdang isailalim sa drug clearing ay patunay lamang na paghina ng kalakalan ng droga sa rehiyon.

Patuloy din ang PDEA Region 2 sa kanilang operasyon upang tuluyang masugpo ang illegal na droga sa lambak ng cagayan.