--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa 1,195 na mangingisdang gumagamit ng bangkang de motor  sa ikalawang rehiyon ang makikinabang sa fuel subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Angel Encarnacion ng BFAR Region 2 na sa buong bansa ay mayroong 250 million pesos na inilaan para sa fuel subisidy sa mga mangingisdang gumagamit ng bangkang de motor.

Ayon kay Regional Director Encarnacion ang batayan sa pagpili ng distribution ay ang mga mangingisdang gumagamit ng bangkang de motor na nasa listahan ng BFAR.

Makakatanggap ng Php3,000 ang bawat benepisaryong mangingisda at maibibigay sa pamamagitan ng DBP Card.

--Ads--

Sinabi pa ni Regional Director Encarnacion na sa March 31, 2022 ang deadline ng pagbibigay ng mga listahan ng mga benepisaryong mangingisda at kailangan nilang i-verify bago nila ipamahagi ang ayuda.

Tiniyak ng regional director na  pagsapit ng buwan ng Abril ay maaari nang ibigay ang fuel subsidy sa mga mangingisda.

Ang pahayag ni Regional Director Angel Encarnacion ng BFAR Region 2