--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang grade 12 student matapos masangkot sa aksidente kagabi sa brgy.Tagaran.

Ang biktima ay si George Balboa Jr., residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City police Station na patungong hilagang direksyon ang biktima lulan ng kaniyang minamanehong motorsiklo nang bumaligtad dahil sa pagkawala ng kontrol sa manibela.

Sumalpok ang motorsiklo ni Balboa sa nakaparadang isa pang motorsiklo sa gilid ng daan kaya nagtamo siya ng malubhang sugat sa kanyang katawan.

--Ads--

Isinugod pa sa ospital ang binatilyo ngunit idineklang dead on arrival.

Hindi pa matukoy kung ang biktima ay nasa impluwensiya ng alak nang maganap ang aksidente.