--Ads--
top stoy

CAUAYAN CITY – Tumulong   ang 12-man team ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) region 2  sa pamamagitan ng  programa ng ahensiya na TESDAmayan sa pagsasaayos sa mga bahay na sinira ng  bagyong Odette sa Sipalay City, Negros Occidental.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vocational Superintendent Edwin Madarang ng ISAT -TESDA, sinabi niya na inatasan ng kanilang punong tanggapan ang mga TESDA Regional Offices na hindi hindi naapektuhan ng bagyong Odette na tumulong sa mga lugar na labis na sinalanta ng bagyo.

Ang TESDA region 2 ay bumuo ng 12-man team na kinabibilangan ng mga construction related trainer tulad carpentry, masonry at electrical installation.

Ang grupo na pinamunuan ni Ginoong Madarang ay  nagtungo sila sa Sipalay City, Negros Occidental  at tumulong sa apat na barangay na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette para muling makumpuni ang mga napinsalang bahay ng mga residente.

--Ads--

Nagdala   sila ng mga power tools at solar panel dahil alam nilang wala pang tustos ng kuryente sa  Sipalay City na may 17 na barangay.

Ayon kay Ginoong Madarang, bumalik sila sa ikalawang rehiyon upang kunin ang mga nalikom na tulong na mga damit, bigas, gatas at kape para sa mga biktima ng bagyo.

Ngayong araw ng Miyerkoles ay babalik sila sa Sipalay City upang ipamigay ang mga nalikom na tulong.

Ang pahayag ni Ginoong Edwin Madarang.