--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 12 na suspect case sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang naka-confine ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, sinabi niya nadagdagan ang mga naka-confine matapos dalhin ang tatlong nagpositibo sa Lunsod ng Ilagan kaya 12 na ang kanilang pasyente ngayon kasama na ang nagpositibo sa Solana, Cagayan.
Ayon kay Dr. Baggao, pinasundo rin nila sa kanilang ambulansiya ang tatlo pang nagpositibo sa Aurora, Isabela.
Mild symptoms lang ang nararamdaman ng mga pasyente at nasa maayos na kalagayan.
--Ads--
Sinabi pa ni Dr. Baggao na sapat pa rin ang kanilang mga pasilidad para sa mga COVID-19 patients.










