--Ads--

Pumalo na sa labindalawa ang kumpirmadong nasawi sa Estados Unidos dahil sa pananalasa ng Hurricane Milton.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na nasa 340 na indibidwal at 49 na mga alagang hayop ang na-rescue ng mga awtoridad kung saan inaasahan pang madadagdagan ito dahil patuloy pa rin ang search and rescue operation.

Aabot naman sa mahigit 3 milyong mga consumer ang nawalan ng tustos ng kuryente ngunit prayoridad ng mga service provider na suplayan ng kuryente ang mga pagamutan.

Naglabas naman ng direktiba si US President Joe Biden na huwag munang pabalikin ang mga evacuees sa kanilang mga tahanan dahil delikado pa ang kalagayan sa labas dahil sa pagbaha at mga nagkalat na debris.

--Ads--

Naibibigay naman aniya ang lahat ng pangangailangan ng mga evacuees ngunit problema umano nila ngayon kung papaano sila uuwi dahil karamihan sa kanila ay nawalan ng tirahan.

Mayroon naman umanong ipo-provide na hotel rooms ang pamahalaan para sa mga nawalan ng tirahan at pwede silang tumuloy doon hangga’t wala pa silang bahay na tutuluyan.