--Ads--

Opisyal ng nagretiro sa paglalaro sa NBA si Chris Paul.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos na pakawalan siya ng Toronto Raptors kasunod ng three-team trade sa Los Angeles Clippers.

Sa kaniyang social media account sinabi ng 12-time NBA All-Star na nagpasya na itong magretiro matapos ang 21 taon sa NBA.

Dagdag pa ng 40-anyos na si Paul na kahit tapos na ang kabanata niya bilang NBA player ay hindi para maaalis ang basketball sa buhay niya.

--Ads--

Sa loob kasi ng tatlong dekada ay sa basketball umikot ang buhay nito.

Itinuturing niya na isang biyaya ang kaniyang NBA career kung saan mayroong mabuti at masamang nangyari subalit kaniyang binibigyan ng respeto ang bawat laro.

Si Paul o nakilala sa tawag na CP3 na shortcut ng kaniyang pangalan at jersey number ay naging 4th overall pick sa 2005 NBA Draft.

Naglaro ito sa mga koponan ng New Orleans Hornets, Clippers, Houston Rockets, Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Golden State Warriors at San Antonio Spurs.