Higit isandaang employer sa Region 2 ang non-compliant o hindi sumusunod sa umiiral na bagong minimum wage sa Lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Mary Gladys Paguirigan, Mediator-Arbiter ng Department of Labor and Employment Region 2, sinabi niya na mula sa 644 na mga establishimento na kanilang binisita ay 128 ang napag-alamang hindi sumunod sa tamang pasahod.
65 na employer mula sa nabanggit na datos ang na-issuue-han na ng compliance order habang 63 naman ang nabigyan ng dismissal order o ang nakapag-comply na sa tamanag minimum wage.
Ayon aniya sa ilang mga employer, hindi umano nila alam na nagtaas na pala ng minimun wage habang ang ilan naman ay aminadong hirap na mag-comply sa tamang pasahod.
Kapag hindi aniya nakapag-comply ang isang employer matapos ma-issuehan ng Compliance order ay magkakaroon ng double indemnity kung saan madodoble ang babayaran nitong underpaid wage sa kaniyang empleyado.
Aniya, karamihan sa mga non-compliant businesses ay ang mga Micro Small Medium-sized enterprises (MSMEs) maging ang mga retail establishments.
Nilinaw niya na hindi exempted ang mga maliliit na negosyo sa wage increase maliban na lamang kung mag-aapply sila ng exemption sa payment of Minimum wage sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board.