Aabot sa 120 katao, karamihan ay mga pulis, ang nasugatan sa anti-government protests sa Mexico.
Ang kilos-protesta ay inilunsad ng mga Gen Z youth groups at sinuportahan ng iba’t ibang mamamayan. Nagmartsa sila sa Mexico City upang ipanawagan ang pagtigil sa karahasang may kaugnayan sa droga at upang kondenahin ang mga polisiya sa seguridad ni Pangulong Claudia Sheinbaum.
Bagama’t nananatiling mataas sa higit 70% ang approval rating ng pangulo, nagdulot ng pangamba ang serye ng high-profile killings, kabilang ang kamakailang pagpaslang kay Uruapan Mayor Carlos Manzo, na nanawagan ng mas mahigpit na aksyon laban sa mga cartel.
Iginiit naman ni Sheinbaum na ang mga kilos-protesta, na naganap din sa iba pang lungsod, ay pinondohan umano ng mga right-wing politicians na tutol sa kanyang administrasyon.











