--Ads--

Aabot sa mahigit isandaang bagong sundalo ang nagtapos sa 45-days Infantry Orientation Training o IOT sa loob ng 5th Division Training School ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Capt. Ed Rarugal, Information Officer ng 5th Infantry Division sinabi niya na nasa 123 na bagong sundalo ang nagtapos sa kanilang orientation course.

Unang nagtapos ang nasabing mga sundalo ng Candidate Soldier Course sa lalawigan ng Tarlac pangunahin sa Training and Doctrine Command kung saan nasa apat na buwan ang kanilang naging pagsasanay bago sila muling nagsanay sa 5ID dahil dito naman sila mai-aassign pagkatapos.

Saklaw ng training ng mga sundalo ang basic military course na umabot sa apatnaput limang araw upang makabisado nila ang kanilang magiging area of responsibility sa 5ID.

--Ads--

Aniya ginawa na kasing centralized ang training ng mga candidate soldiers sa Capas, Tarlac kaya bumabalik lamang ang mga ito sa kani-kanilang pinanggalingang lugar para naman ikabisado na ang kanilang areas sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region o CAR na siyang sakop ng 5ID.

Isa naman sa pinakamalayong lugar na pinanggalingan ng mga bagong sundalo ay sa Region 5 at ang karamihan ay mula na sa Region 1, 2, 3, 4 at CAR.

Tiniyak ni Capt. Rarugal na sa pagsailalim sa training ng mga bagong sundalo ay naitakda na sa kanilang core values ang mga dapat na mayroon ang isang tunay na bayaning sundalo.