CAUAYAN CITY – Nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang 13 anyos na dalagita kasama ang kanyang ina matapos umanong pagsamantalahan ng kanyang nakakatandang kapatid.
Mangiyak-ngiyak na inihayag ng dalagita, residente sa Lunsod ng Cauayan at katatapos ng grade six ang pangmomolestiya ng kanyang kapatid na si Badong, di tunay na pangalan, 23 anyos, may asawa at isang welder.
Sa kanyang pahayag sa mga tagasiyasat ng Women and Children’s Protection Desk ng Cauayan City Police Station, sinabi ng biktima na madalas hinahawakan ng nakatatandang kapatid ang kanyang dibdib lalo na kung nasa impluwensiya ng alak.
Ayon sa dalagita, maraming beses na ginawa ito ng kanyang kuya subalit hindi siya nagsumbong dahil sa takot.
Muling pinagsamantalahan ang biktima ng kanyang kapatid noong gabi ng Abril 2, 2017 habang siya ay natutulog.
Aniya, nagulat na lamang siya nang nasa tabi na niya ang kapatid at hinahawakan ang kanyang dibdib maging ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Nang mapansin na siya ay nagising ay agad lumayo ang kanyang kuya at dito na naglakas ng loob ang biktima na tawagin ang isa pa niyang nakatatandang kapatid.
Sinundo siya kasama ng mga pulis.
Nasa pangangalaga na ng pulilsya si Badong habang inihahanda ang kasong act of lasciviousnes in relation to RA 7610 (Child Abuse Law).




