--Ads--

CAUAYAN CITY – Muli na namang ipinamalas ang galing ng isang pinoy sa larangan ng palakasan matapos makapag bulsa ng tatlong medlya na kinabibilangan ng ginto, pilak at tanzo ang 13-anyos na binatilyo mula Cauayan City, Isabela sa ginanap na Asian invitational Swimming Championships sa Assumption University sa Bangkok, Thailand.

Sa eklusibong interview ng Bombo Radyo Cauayan sa ama ng atletang si Mark Justine Africano na si Ginoong Jetz Africano kanyang sinabi na naging mahigpit ang laban kung saan inirepresenta ng kanyang anak ang bansang pilipinas sa 50 meters Freestyle junior category kung saan sya nakapagbulsa ng gintong medalya kontra sa labing apat na Asian Countries, maliban sa 4X50 Freestyle relay.

Aniya muntikan nang nalampasan ni Mark Justine ang Philippine Junior Record na 26.15 seconds kung saan nakapagtala ito ng 26.32 seconds, gayunman ay nalagpasan nito ang  kanyang personal record sa batang pinoy championship kung saan nakapagtala noon ng 28 seconds sa 50 meters freestyle.

Dahil sa ipinamalas na galing ni Mark Justine ay may mga opportunidad na umanong nagbubukas para sakanya subalit hindi pa nila ito pinag uusapan dahil gusto pa nilang makasama ito at nasa murang edad palamang. 

--Ads--

Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ni Mark Justine, ang kanyang pagsali sa Cagayan Valley Regional Athletic Championship kung saan puntirya nitong makalahok sa National sporting event na palarong pambansa kung saan bigo umano itong makaabot noong nakaraang taon. 

Si Mark Justine ay grade 8 student sa Cauayan City National High school kung saan tinitiyak naman ng kanyang mga magulang na balanse ang kanyang pag-aaral mula sa pag ensayo sa panglangoy.