--Ads--

Isinagawa kahapon ang launching ng 13 homegrown digital platforms ng Gender and Development na bahagi ng pagstreamline sa mga trabaho ng mga LGU Offices.

Layunin nito na gawing digitalized ang lahat ng mga Local Government Unit offices sa lungsod ng Cauayan.

Ibig sabihin, ang bawat opisina ay magkakaroon ng access sa isang management system kung saan real time na mamomonitor ang data at aktibidad ng bawat opisina.

Maging ang opisina ng City Mayor ay may access din dito kung saan magkakaron siya ng access sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

--Ads--

Ayon kay Gender and Development o GAD Regional Director Dr. Jhamie Mateo, malaking bagay ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa opisina.

Mas mapapabilis kasi nito ang proseso ng mga pagsasaayos, paggawa at pagbibigay ng mga impormasyon na kinakailangan ng isang opisina.

Sa pamamagitan din nito, agad na makikita ang bawat aktibidad na ginagawa ng isang partikular na opisina upang maging aware ang mga concerned agencies dito.

Kabilang din sa mga makakasama rito ay ang opisina ng bawat Barangay sa lungso ng Cauayan kung saan nabigyan ang mga ito ng tig isang computer at tablet para sa access sa management system.

Nakatakda ring magsagawa ang GAD ng training sa bawat opisina kung papaano gagamitin ang management system at kung papaano ito mas makakatulong sa kanila.