--Ads--

CAUAYAN CITY- Labing tatlong katao ang nahuli sa isinagawang magkakahiwalay na Anti-Illegal Gambling Operations ng ibat – ibang himpilan ng pulisya dito sa Isabela.

apat na lalaki kabilang ang isang menor de edad ang dinakip habang naglalaro ng baraha o “pepito” sa Purok 8, San Fermin, Cauayan City.

Nasamsam ng mga pulis ang isang set ng playing card at P/700.00.

Tatlong kababaihan naman ang nadakip ng San Mariano Police Station habang naglalaro ng Tong-it sa Brgy. Dist. I, San Mariano, Isabela.

--Ads--

Nakuha sa kanila ang isang set ng playing card at mahigit P/200.00.

Tatlong tsuper ng traysikel at isang lalaking walang trabaho ang nadakip naman ng mga pulis ng PNP Gamu sa isinagawa nilang anti- illegal gambling operations sa paradahan ng traysikel sa Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Nasamsam sa kanila ang betting money at playing card.

Nadakip pa ang dalawa sa apat na naglalaro ng majong sa Brgy. Calamagui, San Pablo, Isabela habang ang dalawa ay nakatakas.

Ang mga nadakip ay kapwa tsuper ng traysikel at kapwa naninirahan sa Brgy. Calamagui , San Pablo,Isabela.

Nasamsam sa nabing operasyon ang mesa at mga majong tiles at mahigit P/1,000.00 taya.

Ang 13 katao ay nadakip at sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ( anti-iilegal gambling law).