--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinatayang 13 million pesos na halaga ng Marijuana Bricks ang nadiskubre ng Pulisya sa loob ng naaksidenteng SUV sa kahabaan ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Santy Ventura ang Deputy Chief of Police ng Aritao Police Station,sinabi niya na una silang nakatanggap ng ulat kaugnay sa aksidenteng kinasangkutan ng isang Mitsubishi Expander na may plakang GL 562A kung saaan kalaunan ay nag resulta para matuklasan nila ang milyong halaga ng Marijuana Bricks.

Aniya agad nilang ini-hold ang mga suspect subalit nakatakas ang isa.

Ayon sa Driver na nakaidlip umano siya habang nagmamaneho at tumama sila sa concrete barrier na nagresulta ng aksidente.

--Ads--

Una rito ay nasilip ng mga rumespondeng pulis ang ilang sako na bahagyang nakabukas na karga ng sasakyan kaya naghinala sila na maaaring may iliggal na ginawa ang mga snagkot sa aksidente, maliban pa sa nadiskubre nila na isa pang sako na iniwan sa di kalayuan ng isa sa mga tumakas na suspek.

Umabot sa 111 na piraso ng marijuana bricks ang nadiskubre na may kabuuang halaga na P13,320,000.00.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng dalawang suspek na sina Jan Paulo Navarro, 24-anyos traysikel drayber, residente ng commonwealth Quezon City at Marc Ivan Ventura, 21-anyos na residente naman ng Tarlac.

Nakatakas naman ang isa nilang kasamahan na si alyas Yas.

Sa ngayon nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ng Aritao Police Station upang matukoy kung ang mga suspek ay miyembro ng isang Organized Group dahil sa malaking halaga ng Marijuna na nasabat mula sa kanilang pag-iingat.

Tinutukoy narin ngayon ng PNP kung saan balak dalhin ng mga suspek ang mga iligal na kontrabando.