--Ads--

CAUAYAN CITY- Mahigit sampong pinay workers ang apektado ng pagkasunog ng isang factory sa Taiwan.

Sa panayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Chandilier Amor ng Cebu at anim na taon ng factory worker sa Taiwan, kanyang sinabi na dahil sa pangyayari ay walang naisalba kabilang ang kanilang mga dokumento.

Aniya, naghihintay na lamang sila sa magiging desisyon ng kanilang amo kung pauuwiin umano sila o mananatili sa Taiwan.

Naitala ang limang bombero at dalawang migrant workers ang namatay habang isa ang nasugatan matapos masunog ang factory,

--Ads--

Inihayag pa ni Amor na nagsimula ang sunog sa ika-limang palapag ng gusali.

Tinataya ring labing tatlong Pinay ang nagtratrabaho sa nasabing factory worker.

Sa ngayon anya ang mga apektadong pinay kasama siya ay pansamantalang nakikitira sa mga kapwa OFW.

Handa naman umanong umuwi si Amor kung pauuwiin na sila ng kanioang amo sa Pilipinas.