--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasampa na ng kaso ang 14 anyos na dalagita laban sa kanyang bayaw na umanoy tatlong beses na nanghalay sa kanya sa San Mateo, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan noong nakaraang taon pa umano tatlong beses na hinalay ang dalagita ng kanyang bayaw subalit pumunta nalang ang biktima sa Maynila upang makalimot sana sa panghahalay na ginawa sa kanya.

Subalit batay sa salaysay ngayon ng dalagita ay nais na niyang magsampa ng kaso laban sa kanyang bayaw.

Sa ngayon ay hindi na umano mahagilap ang suspek.

--Ads--

Ayon sa dalagita sa bahay mismo ng kanyang ate naganap ang panghahalay ng kanyang bayaw at dahil tinawag siya ng kanyang ate para alagaan pansamantala ang kanyang anak habang may pupuntahan ngunit isinagawa ng bayaw panghahalay sa kanya.

Kasama ng mga magulang ay nagpunta sa himpilan ng pulisya ang biktima at desididong magsampa ng kaso.