Umabot na sa labing-apat na bayan sa Region 2 ang nasa kategorya ng Critical Risk sa kaso ng COVID-19.
Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Peña blanca, Claveria at Camalaniugan sa lalawigan ng Cagayan; Gamu, Ramon, Cabatuan, Cordon, Naguillian at Burgos sa lalawigan ng Isabela; Cabarroguis, Diffun at Maddela sa Lalawigan ng Quirino; Kasibu at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.
Batay pinakahuling datos ng DOH, ang mganabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Ang mga naturang bayan dati ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.
Gayunman, nilinaw ng DOH Region 2 na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.
Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.
SAMANTALA Batay sa datos ng DOH umabot na sa 74,167 ang kabuuang kaso naitalang kaso sa rehiyon habang 64,612 naman ang tuluyan nang gumaling.
Nasa 7,466 ang kabuuang aktibong kaso habang umabot 2,061 ang kabuuang nasawi dahil sa Covid 19.











