CAUAYAN CITY – Umabot sa 14 ang mga nasugatan, apat sa kanila ay dinala sa ospital matapos ang nangyaring lindol kahapon.
Hindi pa rin madaanan ang kalsada sa Bauco na patungong Baguio cITY dahil sa pagguho ng lupa sa naganap na lindol
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Bonifacio Lacwasan Jr. ng Mt. Province na matarik ang lugar at malalaki ang mga boulders kaya naging mabagal ang pagsasaayos sa daan.
Marami ring bahay at gusali ang nagtamo ng bitak dahil malakas din ang naranasan nilang lindol na nagdulot ng mga pagguho ng lupa sa ilang daan na nasa gilid ng bundok.
Ang ilang pamilya na naapektuhan ng lindol ang mga bahay ay pansamantalang tumuloy sa kanilang mga kamag-anak.
Ayon kay Gov. Lacwasan, ang simbahang katoliko sa Bauco ay nagtamo ng malaking pinsala dahil sa landslide.
Sinuspindi aniya ang pasok ngayong araw sa pamahalaang panlalawigan ng Mt. Province.