SA AUSTIRA- Patay ang 14-taong gulang na batang lalaki sa Austria matapos marahas na pagsasaksakin nang 23-taong-gulang na Syrian asylum seeker na kinilala ng mga awtoridad bilang si Ahmad G.
Ayon sa mga ulat bandang alas-4 ng hapon, Pebrero 15, oras sa Austria ng mangyari ang insidente sa Villach kung saan gamit ng suspek ang malaking kutsilyo sa pananaksak na nagresulta naman ng pagkamatay ng batang lalaki at ikinasugat ng limang iba pa.
Natigil ang rampage habang sinagasaaan umano ng food delivery driver ang suspek na kalaunan ay kinilala ng mga awtoridad na si Alaaeddin Alhalabi, 42-taong gulang at isang Syrian.
Samantala patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung si Ahmad G. ay may kasabwat at kung may koneskyon ang pag-atake sa anumang Islamist activity.
Batay naman sa mga nakasaksi ng insidente sinabi ng mga ito na narinig nila ang suspek na sumisigaw ng “Allahu Akbar” habang siya ay tumatawa at nanaksak.
Nagdulot naman ng mga alalahanin ito sa mga awtoridad hinggil sa posibilidad ng terorismo. Gayunpaman, hindi pa nakumpirma ng mga awtoridad kung ang pag-atake ay isang teroristang aksyon o kung si Ahmad G. ay may problema lang sa pag-iisip.
Sinuri rin ng mga awtoridad ang kaniyang application para sa asylum at kung ilang oras ang ginugol nito sa asylum center ngunit hindi pa malinaw kung ang suspek ay kilala na ng mga awtoridad bago paman ang insidente.