--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang 15 anyos na binatilyo dahil sa paratang na panggagahasa sa isang 6 anyos na grade 1 pupil.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Melissa Gulan, hepe ng Kasibu Police Station, sinabi niya na binigyan ng suspek ng 20 pesos ang bata at sinabing sumunod sa kanya na magtungo sa ilalim ng isang tulay sa kanilang lugar.

Sa nasabing lugar isinakatuparan umano ng binatilyo ang panggagahasa sa bata.

Ayon kay PCpt Gulan, sinabi ng ama ng biktima na hinanap niya ang anak nang hindi pa nakauwi dakong alas said ng gabi.

--Ads--

Natagpuan niya ang anak sa kanilang paaralan na umiiyak at nang tanungin ay sinabi ng bata ang ginawa sa kanya ng suspek kaya agad silang nagsumbong sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda na ang kasong rape na isasampa laban sa binatilyo mat-apos magbigay ng sertipikasyon ang DSWD na alam niya ang ginawang kahalayan sa bata.

Ang tinig ni PCpt Melissa Gulan