--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang mag-aaral ang ginahasa ng kainuman habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin sa Ilagan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni P/Supt.Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station na ang biktima ay itinago sa pangalang Nene,15 anyos, mag-aaral at residente ng Lunsod ng Ilagan.

Naganap ang panaggagahasa sa biktima noong gabi ng Nobyembre 23, 2017

Ayon sa biktima habang patungo sa tahanan ng kanyang kasintahan at nadaanan niya ang kaibigang babae na nakikipag-inuman.

--Ads--

Inaya anya siya ng kaibigang babae na uminom ng alak at nang malasing ay ginahasa siya ng isa ring naka-inuman na itinago sa pangalang Alyas Diego, nasa tamang edad at residente ng Ilagan City.

Sinampahan ng kasong panggagahasa ang suspek na si Diego na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya