--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlo na lamang na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang nananatili at nagpapagamot sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City habang nakauwi na ang 15 iba pa matapos mag-negatibo sa isinagawang sumunod na SWAB test.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na sa 18 positive case na ginamot ng CVMC ay 3 na lamang ang naiwaan at kasalukuyang ginagamot.

Ang 15 na unang nag-positibo ay tuluyan ng nakauwi sa kani-kanilang bahay.

Gayunman, hinihintay na lamang ang paglabas ng resulta ng isa sa tatlo pang naiwan na si PH838 na taga Alicia dahil hindi na nagpapakita ng sintomas at tuloy na ang pag-normalize ng kanyang blood platelets.

--Ads--

Ang dalawa pang pasyente na patuloy na inoobserbahan ay sina PH3368 at PH3373 na kawani ng Regional Health Office sa Tuguegarao City.

Samantala, may apat pang naitalang PUI’s at wala namang nagiging problema batay sa pag-obserba sa mga ito at hinihintay na lamang ang paglabas ng resulta ng SWAB test sa kanila.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao.