--Ads--

Nagtapos ng Basic Military Training ang 150 na Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa 5th Infantry Division Philippine Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Ed Rarugal, DPAO Chief ng 5th ID, sinabi niya na ang mga nagsipagtapos ay dumaan sa 45 days training kung saan natutunan nila rito ang mga basic courtesies at kung paano gamitin ang iba’t ibang mga armas.

Ang mga CAFGU ay nakatuon aniya sa Teritorial Defense pagdating sa counter insurgency operations kung saan sila ay nakatira sa mga lugar na maraming makakaliwang grupo.

Sila rin ang nangunguna pagdating sa disaster response at humanitarian assistance at nagsisilbi rin silang force multipliers na katuwang ng mga kasundaluhan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Mayroon din silang matatanggap na subsistence allowance na nagkakahalaga ng 10,500 kung saan sa isang buwan ay 15 days ang kanilang duty at 15 days ang kanilang off.

Aniya, magandang starting point ang pagiging CAFGU para sa mga nagnanais na maging sundalo dahil mayroon na  silang sapat na kaalaman sa trabaho at buhay ng isang Militar.

Samantala, itinalaga ang ilang mga bagong sundalo sa iba’t ibang unit ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Ayon kay Maj. Ed Rarugal, mayroong 24 na bagong 2nd Lieutenants at 137 privates na maa-assign sa buong area of operation ng 5th ID sa Region 1, Region 2,  Cordillera Administrative Region at sa isang Batallion ng 5th ID na nasa Mindanao.

Sa pamamgitan nito ay mas mapapalakas ang kapabilidad ng mga militar dahil sa mga bagong sundalo na napabilang sa kanilang hanay.

Inaasahan din na mas iigting ang kanilang combat operation pangunahin na sa pagtugis sa nalalabing miyembro ng Guerilla Front na ICRC at sa 6 nalalabing miyembro ng KRCV.