CAUAYAN CITY – Umabot na sa isang libo limandaang construction workers ang bakunahan sa nagpapatuloy na Reformed, Rebound, Recover 1 Million Jobs 2021 na programa ng DOLE.
Ayon sa DOLE krusyal ang gawain ng manufacturing industry sa pagbabalik ng ekonomiya ng bansa kaya nararapat silang mabakunahan upang makapagtrabaho ng mabuti.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad ang information Officer ng DOLE Region 2, sinabi niya na nakatulong din ang 3 day National Vaccination Drive ng pamahalaan upang madagdagan ang bilang ng mga nabakunahan nang construction workers.
Ngayong araw ay magsasagawa rin ng pagbabakuna ang DOLE Region 2 katuwang ang DOH sa bahagi naman ng Quirino at parte pa rin ito ng 1 million Jobs 2021 Program ng DOLE.
Hinikayat naman ni Ginoong Trinidad ang mga hindi pa nagpapabakuna na magtungo na sa mga vaccination sites upang mabakunahan at magkaroon ng proteksyon sa virus.
Aniya malaking tulong ang bakuna lalo na sa mga manggagawa na palaging nasa labas tulad ng mga construction workers.











