--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangunahan  ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Police Regional Office (PRO2) sa Tuguegarao City ang pagsira sa 15,000 na halaga ng mga nakumpiskang iligal na paputok mula sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt.Col Chivalier Iringan,  Information Officer ng PRO2 sinabi niya na ang mga sinirang paputok na kanilang nakumpiska ay piccolo, one star, happy ball, luces, pillbox, judas belt, missile shot, paper cut, five star, pop-pop at ball cracker na nagkakahalaga ng 15,000 pesos.

Sinabi pa ni PLt. Col. Iringan  na  bagamat mababa ang bilang ng mga nasamsam na paputok  sa pagsalubong ng  bagong taon  ay  nalulungkot ang pamunuan ng PRO 2 dahil sa kabila ng patuloy na paalala at mahigpit na monitoring ng pulisya kontra sa mga iligal na paputok ay mayroon pa ring mga  nasasamsam.

Samantala, pinawi ni Lt Col Iringan ang agam-agam ng publiko kaugnay sa mga pulis na umanoy nagtatago sa mga nakumpiskang paputok.

--Ads--

Hinamon  niya ang mga mamamayan na isumbong sa mga himpilan ng pulisya ang mga pulis na nagtatago ng mga nasamsam na paputok upang mapatawan ng kaukulang parusa.

Ang tinig ni PLt. Col. Chivalier Iringan