--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-alay ng mga bulaklak at nagsagawa ng pagtatanghal ang mga kawani ng pamahalaang lunsod ng ilagan at mga mag-aaral sa Freedom park sa barangay Baligatan bilang bahagi ng pagdiriwang sa 156th na kapanganakan at kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ama ng Rebolusyonaryong Pilipino.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Tourism Officer Troy Alexander Miano na binuksan nila kahapon, November 29, 2019 ang exhibit sa lobby ng Isabela Museum and Library.

Ito ay hindi lamang dahil sa memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kundi bahagi ng pagpupugay ng pamahalaang panlalawigan sa pambansang bayani.

Nakadisplay aniya sa lobby ng Isabela Museum and Library  ang pictorial exbihit tungkol kay Bonifacio.

--Ads--

Dati nang may collection ang Museum and Library at tuwing araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Bonifacio gayundin sa paggunita ng araw ng kasarinlan at kagitingan at inilalabas ang mga pictorial exhibit.

Tatagal ito ng dalawang linggo para sa mga mag-aaral at iba pang sektor na nagtutungo sa museum and library.

Hinggil sa usapin kung sino ang dapat na pambansang bayani ,sinabi ni Dr. Miano na maituturing na mga bayani ang ating mga  ninuno  na nag-ambag para makamit ang  kalayaan, kasarinlan at pag-unlad ng ating bansa.

Ang tinig ni Dr. Troy Alexander Miano