--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang 16 anyos na dalagita na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng bowl cleaner.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa kanyang tiyahin, posibleng ang masaklap na karanasan ng dalagita mula sa kanyang stepfather ang dahilan ng kanyang tangkang pagpapakamatay.

Ang dalagita ay minaltrato at ginahasa umano ng kanyang amain kaya palaging natutulala.

Nangyari ang panggagahasa sa Bulacan at nakakulong ngayon ang kanyang stepfather.

--Ads--

Isang buwan pa lamang na nakatira ang biktima sa San Mateo, Isabela matapos kunin ng kanyang mga kamag-anak.