Binigyan ng pagkilala bilang Most Outstanding Isabela Women leaders ang labing anim na mga kababaihan mula sa lalawigan ng Isabela na nagpakita ng katapangan, dangal, at nagpakita ng inspirasyon sa taumbayan.
Pinarangalan ngayong taon sina Hon. Mary Jane Socan-Soriano, Lani Manera Alivia, Conchita Palencia, Deanna Jeanne Dalin, LtCol. Jane Abegail Bautista, Heidi Liz Villanueva, Prof. Dr. Marinel Dayawon, Zenaida Zicarelli, Frances Medina, Kristine Arnaldo Dy, Hon. Virginia Sy, Teresita Domalanta, EDD CESO 3, Loida Almirol, Aida Pallagud Alejandro, Senior Supt. Joanne Enriquez- Vallejo, at ang ipinagmamalaking mamamahayag ng Bombo Radyo Cauayan, Area Mngr. Maylen Taguba Binalay.
Ang naturang programa ay taon-taon na ginaganap sa lalawigan bilang parte ng selebrasyon ng womens month.
Ito ay inorganisa ng JCI Cauayan Bamboo, JCI Senate Isabela, at Local na Pamahalaan ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera na siya ring Chairman ng kababaihan, sinabi niya ito na ang pangatlong pagkakataon na mabibigyang pagkilala ang mga natatanging Isabela Women leaders.
Paglilinaw niya, ang mga pinarangalan ay ang mga ipinanganak sa lalawigan ng Isabela at ngayon ay nasa iba’t-ibang sulok na ng mundo para sa kanilang napiling career.
Ang ilan aniya sa mga bibigyang pagkilala ay mga public servant tulad ng mga guro, law enforcers, at journalist.
Naging mahigpit naman aniya ang screening sa naturang karangalan kung saan ay 16 na kababaihan lamang ang napili sa 28 na nominees.
Noong taong 2023 ay 10 lamang ang naparangalan habang 28 naman noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni SP Galutera, hindi na uso ngayon ang stereotyping dahil lahat ng kayang gawin ng kalalakihan ay kayang kaya na ring gawin ng mga kababaihan.