--Ads--

Kinilala ng pulisya sa Switzerland ang karagdagang 16 na biktima ng nakamamatay na sunog sa isang bar noong Bisperas ng Bagong Taon na kumitil ng 40 buhay na isa sa itinuturing na pinakamalalang trahedya sa bansa.

Ayon sa Valais police, kabilang sa mga nakilala ang 10 Swiss nationals, dalawang Italyano, isang may Italian-Emirati citizenship, isang Romanian, isang Pranses, at isang mula Turkiye. Sa kabuuan, 24 na katao na ang natukoy mula sa nasawi sa sunog sa Le Constellation bar sa Crans-Montana.

Kabilang sa mga nakilala ang isang 14-anyos na Swiss girl, dalawa pang 15-anyos, at 10 kabataang edad 16–18. Nakilala rin ang dalawang Swiss na lalaki (edad 20 at 31) at isang Pranses na 39 taong gulang. Patuloy ang awtoridad sa pagtukoy sa natitirang mga biktima mula sa sunog na nakasugat ng humigit-kumulang 119 katao, ilan sa kanila ay dinala sa burn units sa iba’t ibang bahagi ng Europa.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa Switzerland ang dalawang nagpapatakbo ng bar dahil sa posibleng kasong homicide by negligence.

--Ads--