--Ads--

CAUAYAN CITY- Umaabot sa 16 ang died in operation sa tuloy tuloy na pinaigting na kampanya kontra illegal na droga ng mga pulis sa Isabela mula Marso hanggang ngayong buwan ng Agosto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Supt. Reynaldo Garcia, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office na mula noong Marso 1, 2017 hanggang kahapon Agosto 17, 2017 ay mayroon nang 378 na sumukong drug personality, 167 ang dinakip, 16 ang tinaguriang died in operation at 37 ang Homicide Under Investigation .

Mariing itinanggi ni Provincial Director Garcia na kaya nila pinaigting ang kampanya kontra illegal na droga at may mga napapatay sa operasyon ay dahil mayroong bayad at puntos sa kanilang himpilan.

Nilinaw ni Sr. Supt. Garcia na ang kanilang operasyon ay legal.

--Ads--

Kung mayroon anya silang ipapatupad na search warrant ay may mga lumalaban mga pulis na sanhi para sila ay mapatay habang ang ilan ay sumusuko sa pulisya.