Puspusan na angisinasagawang Clearing Operations ng Local Government of Ilagan sa mga binahang Barangay sa Lunsod dahil sa pananalasa ng Bagyong Uwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoogn Ricky Laggui, sinabi niya na unti-unti ay nag sasagawa sila ng clearing operation bilang paghahanda sa ginagawang relief operations.
Tuloy-tuloy din ang repackaging ng mga relief items na may kabuuang bilang na 160,000 packs na ipapamahagi sa lahat ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Panginahing laman ng relief pack ang 5 kilo ng bigas at sampung canned goods na mula mismo sa LGU Ilagan.
Sa ngayon nasa 40 barangay sa Lunsod ang isolated dahil sa pagbaha na binubuo ng humigit kumulang sampung libong pamilya.
Hinhintay na lamang ng LGU na humupa ang pagbaha upang maidala na ang assistance para sa mga residente.
Pinasalamatan naman ni Ginoong Laggui ang mga opisyal ng Barangay na nagsilbing frot line sa evacuation at relief operations na siyang naging susi upang walang maitalang casualty sa Lunsod.
Sa katunayan naglabas na ng kautusan si Mayor Jay Diaz na walang pasok sa anumang sangay ng lokal na pamahalaan upang bigyang daan ang recovery.
Tuloy tuloy rin ang power at water restoration sa iba’t ibang bahagi ng Lunsod kasabay ng paghupa na rin ng tubig baha.











