--Ads--

164 police trainees, nagsimula na ang police training sa Regional Training Center 2

CAUAYAN CITY – Magkakaroon na ng computer laboratory ang mga police trainee ng Regional Training Center 2 ( RTC 2) na nakahimpil sa barangay Minante Uno, Cauayan City.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Cauayan ni Police Supt. Michael Cruz, ang regional training director ng RTC 2.

Ayon kay Supt. Cruz, sa mga nakaraang araw ay natapos na ang air conditioned building ng computer laboratory na malaking tulong sa mga nag-aaral o nagsasanay na pulis.

--Ads--

Inaasahang darating sa buwan ng Disyembre ang nasa dalawampong computer units na ilalagay sa nasabing pasilidad.

Kapag dumating na aniya ay kaagad itong bubuksan upang makatulong sa mga lesson o asignatura ng mga police trainees.

Mahigpit namang ipagbabawal sa kanila ang paggamit ng social media partikular ang facebook.

Umaabot sa isang daan animnaput apat ang mga bagong recruit ng RTC 2 na magsasanay sa loob ng anim na buwan bago maging ganap na pulis.