CAUAYAN CITY- Mangiyak iyak na itinanggi ng 17 anyos na suspek na ginahasa nito ng dalawang beses ang kanyang 14 anyos na kasintahang textmate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng suspek na hindi niya ginahasa ang kanyang kasintahang texmate kundi napagkasunduan nilang makita dahil sa ipinagdiriwang anya nila ang kanilang monthsary.
Kasama umano ng biktima ang kanyang kaibigan nang makipagkita sa suspek kung saan kumain muna sila bago nag-check-in sa isang hotel kung saan sinasabing naganap ang panggagahasa.
Ayon pa sa suspek, tumigil siya sa kanyang pag-aaral at nagtago nang malamang sinampahan siya ng kaso ngunit nadakip siya sa Lunsod ng Santiago kung saan siya nagtratrabaho.
Ayon naman sa ina ng biktima, wala umanong kapatawaran ang ginawa ng binatilyo sa kanyang anak na kaya tuloy ang isinampa nilang kaso laban sa suspek.




