--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng San Mateo Police Station para malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ng isang 17 anyos na binatilyo.

Ang nawawala na si  John Eddie Ubaldo ay pauwi na umano noong gabi ng ika-16 ng Oktubre kasama ang dalawang bata nang sapilitan silang isakay sa isang tricycle ngunit nakatakbo ang dalawa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Abdel Aziz Maximo, hepe ng San Mateo Police Station na kumukuha pa sila mga impormasyon kabilang ang pagreview sa mga CCTV footage na maaaring nakahagip sa pagkuha kay Ubaldo.

Ang binatilyo ay itinuro ng ilang bata na unang dinala sa himpilan ng pulisya na kasama nila  sa pagnanakaw umano ng mga burger patties sa isang burger stand.

--Ads--

Ipinatawag ang  mga magulang para pagsabihan at pinababayaran sa kanila ang mga  burger patties na tinangay ng kanilang mga anak.

Ayon kay PMaj Maximo, hindi pa  niya  personal na nakausap ang barangay tanod na tsuper ng tricycle na sinakyan umano ng mga suspek kasama ang binatilyo.

Unang sinabi ng barangay tanod na sinabihan siya ng mga nagsakay sa binatilyo na dalhin sila sa himpilan ng pulisya ngunit hindi sila nakarating nang maubusan ng gasolina ang tricycle.

Ayon kay PMaj Maximo, ang pulis na tinukoy na isa sa mga kumuha sa binatilyo ay naka-duty sa kanilang himpilan.

Ang pahayag ni PMaj Abdel Aziz Maximo.