--Ads--

CAUAYAN CITY– Arestado ang 17 anyos na binatilyo dahil sa kasong rape sa Brgy Buliwao, Quezon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Major Larry Pinkihan, hepe ng Quezon Police Station, sinabi niya na inaresto ang binatilyo na itinago sa pangalang Ton-Ton sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cicero Jandoc ng Regional Trial Court Branch 29 Nueva Vizcaya sa kasong panghahalay.

Ayon kay PMajor Pinkihan nag-ugat ang kaso ng akusado noong February 19, 2019 nang halayin niya ang biktima na na kanyang kasintahan.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon PNP, sa naturang petsa ay nag-inuman ang mga kaibigan ng akusado kasama ang kanyang kasintahan at nang malasing na sila ay doon na isinakatuparan ang masamang balak sa kanyang kasintahan.

--Ads--

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng Quezon PNP matapos sumailalim sa Dissernment Examination sa DSWD.

Paalala ni Major Pinkihan sa mga kabataan na pagtuunan ng pansin ang pag aaral bago ang pakikipagkaibigan gayundin ang pagpasok sa anumang bisyo upang hindi malihis ng landas.

Pansamantala lamang makakalaya ang binatilyo kapag makapaglagak ng pyansang isang daan at dalawampung libong piso sa kinakaharap na kaso.