--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa 17 ng katawan ang narecover sa nagpapatuloy na retrieval operations sa gumuhong gusali ng DPWH dulot ng lansdlide sa Banawel, Natonin Mt. Province habang nasa 11 katao pa ang nanatiling missing o nawawala.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Edward Chumawar Jr.,ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Mt. Province, kanyang sinabi na pawang mga heavy equipment na gaya ng backhoe ang ginagamit sa retrieval operations dahil mahirap kapag manu mano.

Anya, maging ang pamilya ng mga nawawala pang biktima ay tumutulong na rin sa search operation ngunit sila ay pinagbabawalan sa retrieval operation dahil mapanganib ito para sa kanila.

Ayon pa kay Atty. Chumawar, pahirapan din ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima kaya ang proseso na gagawin kapag may narecover ay agad na isasailalim sa pagsusuri ng magkatuwang na SOCO at ng NBI para maitugma sa mga pagkakakilanlan ng mga pinaniniwalaang nabaon sa guho.

--Ads--

Kadalasan ay hinahayaan din ang mga pamilya ng mga biktima na kilalanin sila sa pamamagitan lamang ng kanilang body built, kulay ng damit at iba pa dahil sa ngayon ang mga narerecover ay katawan na nasa stage of decomposition na.

Dagdag pa niya, na sa araw ng Biyernes, a nuebe ng Nobyembre ay uuwi na ang mga taga National Agencies na katuwang sa retrieval operations dahil iteterminate na ang paghuhukay ngunit nilinaw ni PDRRM Officer Chumawar na magpapatuloy ang retrieval operations katuwang ang mga local rescue teams sa lalawigan.