--Ads--

17,000 tauhan ng Philippine Coast Guard ang naka-deploy sa iba’t ibang pantalan at beach resort sa bansa ngayong Semana Santa.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa kasagsagan ng Mahal na Araw.

Pinapayuhan naman ng PCG ang publiko na manatiling alerto at iwasang maligo sa dagat kung naka-inom upang maiwasan ang pagkalunod habang nagbabakasyon.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, pagkalunod kasi ang pinakamataas na bilang ng aksidenteng na-monitor ng PCG sa tuwing Kwaresma.

--Ads--

Hinihikayat din ng PCG ang mga pasahero na huwag tangkilikin ang mga kolorum na bangka o yung mga bangkang pangisda na ginagamit pang-island hopping.

Ito ay dahil wala aniya itong life-saving gear, sakaling may maganap na hindi inaasahang insidente sa gitna ng paglalayag.

Mula kaninang hatinggabi hanggang ngayon, mahigit 60,000 mga pasahero na ang dumagsa sa mga pantalan sa bansa.