--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo ng 17th Infantry Battalion Philippine Army sa halos dalawampung miyembro ng West Front Committee, Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley sa ilalim ng pamumuno ni Edgar Bautista, alias Simoy na nakasagupa sa Sitio Paco, Barangay Aurora, Pudtol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Rigor Pamittan, DPAO chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na sa pagpapatupad nila ng focus military operations ay napuntahan ng 17th IB ang pinagkukutahan ng mga New Peoples Army o NPA na nagbunga ng palitan ng putok na tumagal ng hanggang dalawampung minuto.

Matapos ang sagupaan ay tumakas ang mga nakasagupa ng militar na mga miyembro ng NPA.

Ayon kay Capt. Pamittan, ang halos dalawampung miyembro ng NPA ay naroon sa lugar upang magtago mula sa pwersa ng pamahalaan na nagsasagawa ng operasyon sa boundery ng Apayao at Cagayan at dahil sa tuloy tuloy na combat patrol ay lumipat sila sa Apayao.

--Ads--

Patuloy na tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang nalalabing miyembro ng West Front Committee.