--Ads--

Naghain ng criminal complaint si National Security Adviser Eduardo Año laban sa 18 indibidwal na umano’y dating marino, kasama ang kanilang abogado na si Levito Baligod at dating Congressman Mike Defensor.

Inihain ang reklamo nitong Miyerkules ng gabi, Marso 4, sa Department of Justice.

Kaugnay ito ng mga alegasyon na tumanggap umano si Año ng kickback mula sa sinasabing maanomalyang flood control projects.

Sa kanyang reklamo, binanggit ang paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na tumutukoy sa unlawful means of publication and utterances, gayundin ang paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

--Ads--

Sa isang ambush interview, sinabi ni Año na layunin lamang niyang ipagtanggol ang kanyang pangalan at reputasyon matapos siyang madawit sa isang affidavit na nag-uugnay sa kanya sa umano’y pagtanggap ng paper bag na sinasabing may laman na pera.

Mariin niyang itinanggi ang mga paratang at tinawag itong isang “malicious imputation.”