--Ads--

Tumaob ang isang motorbanca kung saan ligtas na nasagip ang lahat ng 18 pasahero sa baybayin sakop ng Gilutungan Island, Cordova, Cebu kasunod ng mabilis na pagtugon ng Philippine Coast Guard (PCG).


Ang Jhon David motorbanca na umalis sa Getafe, Bohol, at patungo sa Cebu City, ay inulat na hindi naging stable at tumaob malapit sa Gilutungan Island.


Agad na naglunsad ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard mula sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Cordova matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente.


Labing-apat na pasahero ang na-rescue ng crew ng MV Ocean Jet 10 at dinala nang ligtas sa Pier 1, Cebu City, habang ang dalawa pa, ang operator ng banca at ang kanyang anak, ay na-rescue ng mga tauhan ng Coast Guard gamit ang isang inupahang motorized banca.

--Ads--


Walang namang seryosong naiulat na sugatan sa pangyayari.


Nakumpleto na ang towing operations para sa tumaob na bangka, at naitabi ito malapit sa Cordova Reef.