--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyang parangal ng pamahalaang lokal ng Angadanan, Isabela ang isang 19 anyos na binata na magtatapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude.

Sa kanyang general weigted average na 1.25, si Joriel Ortiz na anak ng isang Day Care Worker at magsasaka mula sa Ramona, Angadanan, Isabela ay magtatapos sa June 29, 2017 sa Isabela State University Echague Campus sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.

Dahil dito, pinagkalooban ng LGU Angadanan si Ortiz ng P-50,000 na kanyang gagamitin sa pagre-review para sa darating na board examination.

Napag-alaman din ng Bombo Radyo Cauayan na si Joriel Ortiz ay isa lamang sa libu-libong benipesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng pamahalaan.

--Ads--

Sa kanyang talumpati sa programa para sa mga 4P’s beneficiaries sa FL Dy coliseum sa Cauayan City, binigyang-diin ni Ortiz na ang kahirapan sa buhay ang kanyang naging pangunahing inspirasyon sa pag-aaral.

Ito aniya ang dahilan kung bakit siya ay nagpunyagi sa pag-aaral upang maipasa ang lahat ng mga qualifying exams na kailangan sa kanyang kurso.

Pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya, mga guro at ang programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga mag-aaral na kapos sa buhay.