
CAUAYAN CITY – Naglakas ng loob ang isang 19 anyos na babae na idulog sa kanilang barangay ang ginawang panggagahasa sa kanya ng sariling ama.
Ang suspek ay itinago sa pangalang Canor, 46 anyos, magsasaka habang ang biktima na itinago sa pangalang Lisa ay 19 anyos, may kinakasama at kapwa residente sa Santiago City.
Batay sa report ng mga awtoridad, personal na nagtungo ang biktima sa tanggapan ng kanilang barangay upang isumbong ang panghahalay sa kanya ng ama.
Agad namang nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng barangay sa himpilan ng pulisya at dinakip ang pinaghihinalaan.
Batay sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog sa kanyang kuwarto nang maramdama na may dumagan sa kanya at doon isinagawa ang panggagahasa sa kanya ng sariling ama.
Pinagbantaan umano siya ng ama na papatayin kapag nagsumbong sa mga otoridad.
Sinabi pa ng biktima na tatlong beses na siyang ginahasa ng ama.
Unang naganap ang panghahalay noong ika-13 ng Abril 2021 at naulit noong noong ika-15 at ika-19 ngayong buwan.
Batay pagsisiyasat ng mga awtoridad, matagal nang hiwalay ang mga magulang ng biktima na naiwan sa kustodiya ng ama.
Mahaharap sa kasong rape ang suspek na nasa kustodiya na ng Station 2 ng Santiago City Police Office (SCPO).




