--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng isang lalaki na nalunod matapos bigong makatawid sa ilog na sakop ng San Dionisio II Nagtipunan, Quirino Province.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangisda umano si Jerwin Pantaleon sa nasabing ilog noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Tinangka niyang tawirin ang ilog subalit tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Patuloy ang search and retrieval operations ng mga otoridad sa katawan ng 19 anyos na biktima.

--Ads--

Umaasa ang kanyang pamilya na mahahanap sa lalong madaling panahon ang bangkay upang mabigyan ng disenteng libing.