--Ads--

Nasa 19 katao na ang narekober sa Potomac River sa Washington DC kung saan nahulog ang nagbanggaan sa himpapawid na American Eagle Flight 5342 at US army Black Hawk helicopter.

Humigit kumulang sa 300 rescuers ang nagtutulung-tulong para sa rescue operation.

Ang Potomac River ay may halos 8 talampakan ang lalim kung saan bumagsak ang mga sasakyang panghimpapawid.

Ang eroplano ay umalis mula sa Wichita, Kansas lulan ang nasa 60 na pasahero at apat na crew habang ang US Army Black Hawk Helicopter naman ay may sakay na 3 servicemen.

--Ads--

Inihayag naman ng US Figure Skating Governing Body na mga atleta, coach, at mga miyembro ng pamilya ang nakasakay pagkatapos na dumalo sa national development camp na ginanap kasabay ng US Figure Skating Championships.

Iniulat na kasama ang mga figure skaters na sina Evgenia Shishkova at Vadim Naumov na nakasakay sa eroplano.

Ang mag-asawa ay nanalo sa World Championships sa Figure Skating in pairs noong 1994 at nanirahan sa US.