CAUAYAN CITY- Tinukoy ng Comelec ang 19 na barangay na may kandidatong sa barangay kapitan na walang makakatunggali para sa halalan sa May 14, 2018.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Comelec Officer Jerby Cortez ng Ilagan City na sa ngayon ay 19 ang mga unopposed na mga kandidato sa barangay kapitan at maaari pa itong madag-dagan habang papapalapit ang halalan dahil maaari pa anya umaatras ang ibang mga kandidato.
Kabilang sa mga may unopposed na kandidato sa Barangay at SK election San Lorenzo, Gayong-gayong Sur, Marana 3rd , Minabang, Mangcuram,Ballacong, Cadu, Alinguigan 3rd, Fugu, CalamaguI 2nd, Centro San Antonio, Cabisera 14, Cabisera 16, Cabisera 2, Cabisera 7, Cabisera 4, Cabisera 22, Cabisera 23, Cabisera 25, Cabisera 27.
Gayunman,inihayag ng Comelec Ilagan City na may ilang barangay pa rin ang hindi pa nakapagbigay ng listahan kung kayat maaari pang magbago ang naturang bilang.
Magugunitang itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Ilagan na may kinalaman sila sa pagkakaroon ng mga unopposed na kandidato sa barangay.
Ayon sa LGU Ilagan, naniniwala sila sa ipinapatupad na kalayaan o demokrasya sa bansa.