Isinusulong ng lokal na mambabatas ng lungsod ng Cauayan ang pagre-reprogram sa 2.7 milyon na badyet mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) patungo sa rehabilitasyon ng Sipat Bridge.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang Panlungsod Bagnos Maximo Jr., sinabi niyang isa itong dapat na maipasa sa konseho upang matutukan na ang pagsasa-ayos sa tulay na nasira. Aniya, pahirapan ngayon ang sitwasyon sa nasabing tulay dahil one way lamang ang bukas dito.
Matatandaang nasira ang isang bahagi ng tulay matapos gumuho ang approach nito. Isinara na itong tulay sa mga mabibigat na sasakyan upang maiwasan ang pagguho ng approach. Ngunit sa katagalan at pagbabago sa direksyon ng tubig, hindi naiwasan ang pagbagsak ng approach nito.
Giit ni SP Bagnos, kailangan ng matutukan ang pagre-rehabilitate ng nasabing tulay at maraming sasakyan ang dumadaan dito. Sa kanyang proposed ordinance nasa 2. 7 milyon re-program funds ang planong ilaan sa pagsasa-ayus nito.
Bagaman aminado ang lokal na mambabatas na hindi ito sasapat, malaking bagay ito para masimulan na ang pagsasa-ayos sa nasabing tulay.











