--Ads--

Dinakip ng mga otoridad ang dalawang ahente ng LPG regulator matapos na ireklamo dahil sa pambubudol at pagtangay ng pera at alahas sa bayan ng Delfin Albano.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj Angelo Pagulayan ang hepe ng Delfin Albano Police Station sinabi niya na, naisampa na nila ang kasong pagnanakaw laban sa dalawang akusado dahil sa pagtangay nila sa pera, at alahas ng biktima.

Batay sa kanilang pagsisiyasat napag-alaman na unang nag-ulat ang biktima sa kanilang himpilan at sa kabutihang palad isang Patroller ng Delfin Albano Police Station ang nakapansin sa mga akusado na pilit umiiwas sa mga pulis.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa bayan ng Tumauini hanggang sa na-korner ng mga Pulis ang dalawang akusado sa maisan sa Barangay Paragu at doon ay positibo silang kinilala ng biktima at nakuha sa kanilang pag-iingat ang pera at alahas.

--Ads--

Sa kanilang pagsisiyasat lumalabas na ang mga akusado ay ahente na nagtitinda ng regulator ng gas stove at pansamantalang nangungupahan sa Tumauini, Isabela.

Modus ng mga ito na mag ikot sa mga barangay at natiyempuhang walang kasama ang biktima kaya sinabi nilang nanalo umano ito ng regulator at ng utusan na kunin ang QR code ng ginagamit niyang gas stove ay nakakuha ng pagkakataon ang mga kawatan na tangayin ang gamit ng biktima.